Nakalusot na ang Delta variant sa Tuguegarao City, sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ang kinumpirma sa Laging Handa press briefing ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.

Ayon kay Soriano, isang lalaki ang unang natukoy na mayroong Delta variant at nahawa nito ang dalawang kasama sa bahay.

Pero naniniwala ang alkalde na posibleng kumalat na rin ito sa ibang tao dahil July 13 pa ito nalamang positive subalit hindi agad natukoy ang variant na kumapit sa kanya.

“Mayroon na kaming Delta variant, na-confirm ito the other night, na-confirm ito sa akin ng DOH we have already one but I’m sure as the sunrises in the East, it’s not only one,” ani Soriano.

Magaling na aniya ang tinamaan ng Delta variant pati na rin ang dalawang kasamahan kaya ang gjnagawa ngayon ay sinusuyod ang lugar at masusing ginagawa ang contact tracing sa komunidad.

Naniniwala ang alkalde na marami pa ang nakapitan ng Delta variant sa kanyang lungsod pero hindi lang matukoy kung ilan dahil hindi lahat ng samples ng may COVID-19 ay naipapadala sa Philippine Genome Center.

The post Tuguegarao nalusutan ng Delta variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tuguegarao-nalusutan-ng-delta-variant/)