Papalag at ‘di tatakbuhan ni Yordenis Ugas si Manny Pacquiao sakaling maghabol ito ng rematch matapos matalo kahapon.

Ito ay matapos ang ‘di inaasahang unanimous decision win ni Ugas kontra kay Pacquiao.

“200 percent. Manny’s a great legend, great fighter. If he wants a rematch, no question about it,” pahayag ng Cuban, na nanatiling WBA welterweight champion.

“A legend like that deserves it,” dagdag pa niya.

Sa kabilang dako, hindi pa naman sigurado kung ano ang susunod na hakbang ni Pacman matapos matamo ang kanyang ika-walong talo.

Isa sa mga inaasahang gagawin ni Pacquiao ay ang tumakbo sa 2022 bilang pangulo.

Sa ngayon, pahinga ang hanap ng katawan ng People’s Champ at sa susunod na buwan umano niya iaanunsyo ang susunod na gagawin sa kanyang karera. (Mark Joven Delantar)

The post Ugas kakasa ‘pag Pacquiao naghabol ng rematch first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ugas-kakasa-pag-pacquiao-naghabol-ng-rematch/)