Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang numero unong kritiko na si senadora Leila de Lima at inakusahang mayroong milyon-milyong pisong unliquidated cash advances noong kalihim pa ito ng Department of Justice (DOJ).

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng pangulo na todo-akusa si de Lima sa report ng Commission on Audit (COA) sa Department of Health pero mayroon din naman itong kuwestiyonableng milyon-milyong pisong unliquidated cash advances noong 2013 batay sa audit findings ng COA.

“Itong COA sa previous administration may audit findings. Mayroon dito ha agency DOJ under Secretary Leila de Lima, unliquidated P617.44 million worth of cash advance in the year 2013,” anang pangulo.

Binigyang-diin ng pangulo na yung pag-kwestyon ng COA kay Health Secretary Francisco Duque ay bibili ng mga gamit pangontra sa COVID pandemic, pero ang kay de Lima aniya ay naglabas ng P617.44 milyon na hindi nito niliquidate.

“Itong kay Duque bibili, itong kay de Lima, nag-cash advance ng 617.44 million unliquidated. Nakulong na lang ang g***, hindi niya ma-account itong ano. Tapos sabi nila nag-press release na na-liquidate na raw,” dagdag ng pangulo

Bukod kay de Lima, mayroon din aniyang ginawang fund transfers ang DILG noong panahon ng Aquino administration na pitong bilyong piso para sa iba’t ibang proyekto kung saan ang DILG Secretary noong mga panahong iyon ay si Mar Roxas.

“DILG unliquidated 7 billion worth of fund transfers to various projects implemented under the term of DILG Secretary Mar Roxas as of December 31,2014. Receivables account accumulated to a huge amount of 740 billion because management failed to monitor the liquidations of fund transfer and the submission of the corresponding financial report,” wika ng pangulo.

Mayroon din aniyang cash advances ang ilan pang ahensya ng gobyerno noong panahon ng Aquino administration gaya ng Commission on Elections, Department of Education, DILG, DND, DOJ, DSWD, DA at iba pa na umaabot sa kabuuang P10.14 billion pesos.

The post Unliquidated cash advances! De Lima, Roxas binuking ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/unliquidated-cash-advances-de-lima-roxas-binuking-ni-duterte/)