Mahigit isang milyong videos na umano ang tinanggal ng YouTube sa kanilang site dahil sa delikadong paglalahad ng maling impormasyon tungkol sa COVID, ayon sa kompanya.

Ayon sa chief product officer ng YouTube na si Neal Mohan, mula Pebrero 2020 ay sinimulan na nila ang pagtatanggal ng mga video na nagbabahagi ng maling impormasyon gaya ng gamot sa COVID.

“Since February of 2020, we’ve removed over 1 million videos related to dangerous coronavirus information, like false cures or claims of a hoax,” wika ni Mohan sa isang statement.

“In the midst of a global pandemic, everyone should be armed with absolutely the best information available to keep themselves and their families safe,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Mohan na kada kwarter ng taon ay umaabot sa 10 milyon video ang kanilang tinatanggal, kung saan karamihan sa mga ito ay nasa 10 views lang.

“Speedy removals will always be important but we know they’re not nearly enough. … The most important thing we can do is increase the good and decrease the bad,” saad pa ng YouTube official.

“When people now search for news or information, they get results optimized for quality, not for how sensational the content might be.”

The post Videos na may fake news sa COVID tegi sa YouTube first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/videos-na-may-fake-news-sa-covid-tegi-sa-youtube/)