Gigil na ang mga taga-suporta ni Bise Presidente Leni Robredo na magdesisyon ito na tumakbo bilang pangulo sa 2022.

Kaya naman ang grupong Dapat Si Leni!, naglabas na ng jingle na nagpapahayag ng mga katangian ni Robredo na swak para maging pangulo.

“Kay Leni Robredo ‘di ka bigo, may tapang, may puso para sa Pilipino,” ang sigaw ng naturang jingle na kumakalat na rin sa social media.

“We were so excited when we listened to ‘Kay Leni Tayo,’ especially when we found out that it was made by the composer of Tala because our volunteers are part of the generation who’ve danced to it,” pahayag ng spokesperson ng Dapat Si Leni! na si Atty. Alvin Clyde Gregorio sa panayam ng Manila Bulletin.

“The song has many messages, proving that there are many reasons why one would support VP Leni, and we focused on the part that says ‘Husay at Tibay’ because we believe these are the core of VP Leni,” dagdag pa nito.

Patuloy na hinihikayat ng grupo na tumakbo si Robredo sa pagka-pangulo sa 2022, isang desisyon na hindi pa naisasapinal ng bise presidente.

The post VP Leni ginawan ng jingle ng mga taga-suporta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vp-leni-ginawan-ng-jingle-ng-mga-taga-suporta/)