Iminungkahi ni Bise Presidente Leni Robredo nitong Linggo na bigyan na agad ng International Certificate of Vaccination or Prophylaxis o ‘Yellow card’ ang isang indibidwal pagkakuha nito ng ikalawang dose ng COVID vaccine.

“Ang suggestion ko lang habang patuloy pa din ‘yung pagpapabakuna, gawin na ito na pagkatapos ng second dose, gawan na nila ng paraan—yellow card ‘yun, yellow card o kung ano man na card ‘yung acceptable internationally—dun na ibigay,” pahayag ni Robredo.

Sa ngayon sa Bureau of Quarantine nakikipag-ugnayan ang mga nais makakuha ng yellow card, na siyang nirerecognize ng World Health Organization bilang lehitimong vaccination card.

Isa pang iminungkahi ng bise presidente ang pagkakaroon ng iisang database kung saan naroon ang lahat ng pangalan ng mga nabakunahan.

“Sana this early, magkaroon na ng isa lang na database sa buong bansa ng nababakunahan at i-decentralize na ito. Pwede naman na Bureau of Quarantine pa din yung nag-iissue. Pero hindi na ‘yung lahat ng nagpabakuna, lahat yan maga-apply ng hiwalay sa Bureau of Quarantine kasi sa’kin dino-doble natin ‘yung trabaho,” dagdag pa nito.

The post VP Leni: ‘Yellow card’ ibigay agad pagkuha ng 2nd dose first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vp-leni-yellow-card-ibigay-agad-pagkuha-ng-2nd-dose/)