Wala umanong dapat ikaalarma ang mga residente ng Northern at Central Luzon matapos magkaroon ng low visibilty sa kanilang lugar.

Anang Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), maaaring hamog lang ito at hindi volcanic smog o “vog.”

Ayon kay PHIVOLCS Chief Renato Solidum Jr, hindi ito volcanic smog mula Japan matapos sumabog ang sumbarine volcano na Fukutoku-Okanoba.

Aniya, kung vog ito, dapat amoy sulfur ito.

“’Yung sa Japan, hindi dapat sabihin na humahalo at nagkakaroon ng vog dahil sa volcanic eruption,” sambit niya sa panayam ng GMA News.

Ito ay matapos maiulat ang naging mahamog na paligid sa probinsya ng Pangasinan at Alaminos. Naranasan din umano ito ng mga residente sa Olongapo City at Zambales.

Ani Solidum: “Marami namang dahilan ang fog, pwedeng dahil meteorologic, dahil sa dagat sila.”

The post ‘Wag maalarma! Low visibility sa ilang bahagi ng Luzon hamog lang – PHIVOLCS first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wag-maalarma-low-visibility-sa-ilang-bahagi-ng-luzon-hamog-lang-phivolcs/)