Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang publiko na walang power interruption ang magaganap sa halalan 2022.

Anang ahensya, sapat ang power supply nila para sa Mayo 9 sa susunod na taon.

Paglilinaw ni DOE Undersecretary at spokesperson Felix William Fuentebella, power reserves ang ninipis sa susunod na taon at hindi ang suplay ng kuryente.

“The reason why there is thinning of reserves as far as April, May, and June is concerned, especially on May 19, 20, 21, 22, and 23. It’s because of higher demand, as NGCP explained. Also it’s because of the lack of water for the hydro plants,” sambit niya sa isang virtual press conference.

Giit pa niya, hindi makakaapekto ang pagnipis ng mga reserve sa power supply kung kaya’t: “no yellow alert, and no interruption” ang maaaring asahan ng publiko sa panahon ng eleksiyon.

Kaugnay ang pahayag matapos mapaulat na maaari umanong maging mailap ang power supply sa halalan sa susunod na taon.

The post Walang brownout! Suplay ng kuryente sapat sa halalan 2022 – DOE first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-brownout-suplay-ng-kuryente-sapat-sa-halalan-2022-doe/)