Papatawan ng Warrant of Seizure and Detention ang apat na yate na nakaangkla sa Manila International Container Terminal Private Pier dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), isinagawa nila ang inspeksyon sa apat na yate matapos makatanggap ng ulat tungkol sa mga ito.

Ang mga sasakyang pandagat ay may pangalang Yue Hai Ming Zhu, Gu Cheng Gang Guan, Le Boss at Yuzhen 8.

Nang abutan ang dalawang kapitan at apat na crew member, wala silang naipakitang kaukulang papeles.

Dumating din ang corporate secretary ng kompanyang nagmamay-ari ng mga yate na si Cristo Uy ngunit wala ring naipakitang papeles.

Depensa ni Uy, bagong bili ang mga yate ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga awtoridad dahil wala ring papeles na nagpapatunay na bagong bili ang mga ito.

The post Walang papel! 4 na yate kukumpiskahin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-papel-4-na-yate-kukumpiskahin/)