Binalaan ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga aplikante ng yellow card o International Certificate of Vaccination and Prophylaxis (ICVP) na huwag magsumite ng mga pekeng dokumento kung ayaw nilang mabawian ng pasaporte at masibak sa trabaho.

“Puwede ma-revoke ang passport niyo or matanggal sa trabaho,” wika ni BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador sa isang panayam ngayong Linggo.

Ito ay matapos ianunsyo ng ahensya na tumaas umano ang demand ng yellow card sa bansa na siyang nagpapakita kung anong bakuna ang naiturok sa indibidwal.

Ang ICVP ay kinikilala rin ng World Health Organization bilang vaccination card.

Nito lamang Sabado nang abisuhan ng BOQ ang mga nagbabalak na kumuha ng naturang card na hindi naman lalabas ng bansa na huwag na lang muna mag-apply para magbigay-daan sa mga kailangang umalis ng bansa.

“Hindi po natin ini-encourage ang yellow card kung hindi po gagamitin sa ibang bansa kasi po sobrang daming gusto ng yellow card, nawawalan ng slot iyong mga talagang aalis papunta sa ibang bansa,” wika ni Salvador sa isang virtual briefing.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/pag-wala-pang-byahe-wag-atat-sa-yellow-card/

The post Yellow card applicants na mamemeke ng dokumento: Sibak sa trabaho, bawian ng passport – BOQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yellow-card-applicants-na-mamemeke-ng-dokumento-sibak-sa-trabaho-bawian-ng-passport-boq/)