Nakalabas na sa ospital si Manila Mayor Isko Moreno nitong Miyerkoles, ayon sa Public Information Office (PIO) ng lungsod.

“Nakalabas na ng Manila Infectious Disease Control Center ng Sta. Ana Hospital si Punong Lungsod Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos gumaling mula sa sakit na COVID-19,” saad sa post ng Manila PIO.

Dadaan pa umano ang alkalde sa tatlong araw na isolation bago tuluyang makabalik sa trabaho.

Agosto 15 nang iniulat na nagpositibo sa COVID-19 ang alkalde.

The post Yorme dinaig ang COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yorme-dinaig-ang-covid/)