Sampung senador ang hindi nahuli o nagkaroon ng absent sa ikalawang regular na sesyon ng 18th Congress mula Hulyo 27,2020 hanggang Hunyo 3, 2021, ayon sa sa Legislative Journal Service ng Senado.

May 69 sesyon sa ikalawang regular sesyon ng Senado.

Ang mga nakapagtala ng perfect attendance ay sina Sen. Nancy Binay, Bong Go, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Senate President Vicente Sotto III, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Cynthia Villar at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Samantala, siyam na senador ang hindi namarkahan ng absent subalit nahuli sa roll call. Sila ay sina Sen. Sonny Angara, Pia Cayetano, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, Imee Marcos, Aquilino Pimentel III, Grace Poe at Ramon Bong Revilla Jr.

Ang mga nakapagtala naman ng pagliban sa sesyon ay sina Sen. Ronald dela Rosa na may apat na absent dahil nagkasakit; Sen. Richard Gordon na may isang absent dahil sa local official mission.

Si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ay present sa 65 sessuo days, dalawang late sa roll call, at dalawang absent sa sesyon. Si Senator Francis Pangilinan ay may apat na late sa sesyon at dalawang absent.

Samantala si Senadora Leila de Lima, na kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame ay hindi nakadalo sa 69 araw na sesyon.

Ang ikatlong regular na sesyon ng 18th Congress ay sinumula noong Hulyo 26.

The post 10 senador walang absent sa sesyon ng Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10-senador-walang-absent-sa-sesyon-ng-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10-senador-walang-absent-sa-sesyon-ng-senado)