Nagpositibo sa coronavirus ang 12 madre sa Carmelite Monastery sa Tanay, Rizal.

Sa pahayag, inanunsyo ang pagpopositibo ng 12 sa 18 madre ng Carmelite Monastery.

Anila, bakunado sila laban sa COVID maliban sa isa nilang kasama na umiinom ng chemo tablet, na hindi puwede turukan ng COVID vaccine.

“We are 18 Sisters in the monastery and 12 Sisters were tested positive of Covid,” saad sa pahayag.

“At present, we can be considered as mild cases and symptomatic. Your prayers will be very much appreciated,” dagdag nito.

Samantala sa Quezon City, 62 madre sa Religious of the Virgin Mary convent ang tinamaan ng COVID.

Umakyat sa siyam ang death toll sa kumbento nang tamaan ng COVID-19 outbreak noong nakaraang linggo, ayon sa report ng PNA.

Kabilang sa pumanaw ay mga bedridden at edad 80 hanggang 90.

The post 12 madre sa Rizal sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/12-madre-sa-rizal-sapol-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=12-madre-sa-rizal-sapol-ng-covid)