Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles ang pinakamababang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pumalo lamang kasi sa 12,805 ang bilang ng naitalang fresh COVID cases kahapon na siyang lowest record mula Agosot 13.

Dahil dito, umakyat na sa 2,535,732, ang total ng tinamaan ng virus sa bansa kung saan 132,339 dito ay aktibong kaso.

Samantala, umakyat naman sa 2,365,229 ang total recoveries matapos maitala ang 12,236 indibidwal na nakarekober sa virus.

Naitala rin ang karagdanag 186 bagong nasawi sa virus dahilan para sumipa pa sa 38,164 ang death toll rate ng bansa. (VA)

The post 12K Pinoy nagpositibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/12k-pinoy-nagpositibo-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=12k-pinoy-nagpositibo-sa-covid)