Umakyat na sa halos 37,000 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling mula sa COVID-19.
Ito ay matapos maitala ang 135 mga pulis na bagong nakarekober nitong Linggo.
Samantala, nadagdagan naman ng 128 ang bagong tinamaan ng virus.
Ayon sa datos ng PNP Health Service, sumirit na sa 39,339 pulis ang nagpositibo sa COVID.
Nanigas naman sa 116 ang death toll rate ng ahensya.
Kasalukuyang 2,224 na ang nagpapagaling na pulis mula sa nakamamatay na virus. (VA)
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/135-lespu-dinaig-covid-128-bagong-nasapol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=135-lespu-dinaig-covid-128-bagong-nasapol)
0 Mga Komento