Nasa 135 lugar sa Metro Manila ang kasalukuyang nasa ilalim ng granular lockdown ayon sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos na inilabas ng ahensya nitong Martes, 53 rito ang barangay kung saan 47 kawani ng PNP at 452 force multipliers ang ipinakalat.

Dagdag pa rito, nakakandado rin ang 80 kanto, 47 bahay, 6 subdivisions at dalawang palapag ng isang residential building.

Una nang sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Metro Manila Council (MMC) head, na maari nang isailalim sa lockdown ang ang isang bahay o condominium floor kung may isa nang nagpositibo sa COVID dito.

Samantala, dalawang kaso naman ng COVID-19 ang dapat maitala upang ma-lockdown ang isang buong kalye. (VA)

The post 135 lugar sa NCR nakakandado – PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/135-lugar-sa-ncr-nakakandado-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=135-lugar-sa-ncr-nakakandado-pnp)