Naitala nitong Linggo ang 138 bagong COVID-19 cases sa kawanihan ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, umakyat na sa 37,197 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa naturang virus.

Samantala, tumaas naman sa 34,403 ang bilang ng mga nakarekober matapos maitala ang 108 bagong gumaling mula sa COVID sa kanilang ahensya.

Nanatili naman sa 109 ang kanilang death toll rate.

Sa ngayon, lumobo na sa 2,685 ang total ng mga COVID active case sa PNP.

The post 138 parak sapol ng COVID, 108 nakarekober first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/138-parak-sapol-ng-covid-108-nakarekober/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=138-parak-sapol-ng-covid-108-nakarekober)