Kasalukuyang 36,535 kawani na ng Philippine National Police (PNP) ang gumaling mula sa COVID-19 matapos maitala ang 168 bagong nakarekober nitong Huwebes.

Samantala, nadagdagan naman ng 144 ang bagong nagpositibo sa virus.

Sa kabuuan, 38,916 pulis na ang tinamaan ng COVID-19.

Bahagya namang umakyat sa 115 ang death toll rate ng ahensya matapos itong madagdagan ng isa kahapon.

Sa ngayon, 2,266 pulis na ang nagpapagaling mula sa COVID sa PNP. (VA)

The post 168 parak dinaig COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/168-parak-dinaig-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=168-parak-dinaig-covid)