Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang 18,449 kataong bagong tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, sumirit na sa 2,509,177 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng virus.

Batay sa datos ng DOH, kasalukuyang may 158,169 active COVID cases na ang bansa kung saan 78.7% dito ay mild, 5.3% ang asymptomatic, 1.7% ang severe, at 0.8% ang nasa kiritkal na kondisyon.

Samantala, umakyat naman sa 2,313,412 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID matapos maitala ang 21,811 Pinoy na dumaig sa virus.

Tumaas din sa 37,494 ang death toll rate ng bansa matapos madagdagan ng 93 bagong nasawi. (VA)

The post 18K pang Pinoy sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/18k-pang-pinoy-sapol-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=18k-pang-pinoy-sapol-ng-covid)