Naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes ang karagdagang 193 Pinoy sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 22,906 ang kabuuang bilang ng Pinoy overseas na nasapol ng virus.

Bukod dito, naitala rin ng ahensya ang 120 bagong gumaling at 2 bagong nasawi dahil sa COVID.

Kasalukuyang nasa 1,369 na ang death toll rate ng Pinoy COVID patients sa abroad samantalang tumaas naman sa 12, 928 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

The post 193 Pinoy abroad sapol ng COVID – DFA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/193-pinoy-abroad-sapol-ng-covid-dfa/)