Naitala nitong Miyerkoles ang 196 karagdagang COVID cases sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, namaga na sa 38,788 ang kabuuang bilang ng pulis na nasapol ng naturang virus sa bansa.

Tumaas naman sa 36,383 ang bilang ng nga nakarekober matapos maitala 149 bagong nakaligtas mula sa COVID mula sa kanilang ahensya.

Nanigas naman sa 114 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang nasa 2,291 na ang kabuuang bilang ng active COVID cases sa PNP. (VA)

The post 196 pulis sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/196-pulis-sapol-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=196-pulis-sapol-ng-covid)