Naitala nitong Linggo ang 19,271 bagong COVID-19 cases sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 178,196 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng virus sa bansa.
Samantala, sumirit naman na sa 2,366,749 ang total cases ng COVID sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health, 92.3% sa 178,196 active cases ay mild, 3.1% ang asymptomatic, 2.6% ang moderate at 0.6% ang nasa critical condition.
Bukod pa rito, tumaas din sa 2,151,765 ang bilang ng mga nakarekober sa virus matapos maitala ang 25,037 dumaig sa COVID.
Nadagdagan din ng 205 ang bilang ng mga nasawi dahil dito.
Sa kabuaan, sumampa na sa 36,788 ang death toll rate ng Pinas. (VA)
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/19k-bagong-covid-cases-naitala-sa-bansa-aktibong-kaso-mahigit-178k-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=19k-bagong-covid-cases-naitala-sa-bansa-aktibong-kaso-mahigit-178k-na)
0 Mga Komento