Inanunsyo ng Miss Universe Philippines Organization na may bago silang parangal na igagawad sa top candidates na kokoronahan nila sa coronation night.

Anunsyo nila, bukod sa Miss Universe Philippines 2021 ay kokoronahan din nila ang tatanghaling Miss Universe Philippines Tourism at Miss Universe Philippines Charity.

Ayon sa ulat, si Miss Universe Philippines Tourism ang papalit kay Miss Universe Philippines 2021 sakaling hindi nito kayang gampanan ang kanyang mga obligasiyon.

“The promotion of tourism and involvement in charity are two pillars that the MUPH Organization champion. By having individual queens focused on these, we can further our cause,” saad ng organization sa isang pahayag.

Gaganapin ang Miss Universe Philippines 2021 coronation night ngayong e sa Panglao, Bohol. (VA)

The post 2 new titles dagdag sa Miss U PH 2021 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-new-titles-dagdag-sa-miss-u-ph-2021/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-new-titles-dagdag-sa-miss-u-ph-2021)