Swak ang dalawang Pinoy films sa 2021 edition ng Tokyo International Film Festival (TIFF).

Pasok ang pelikula nina Mikhail Red na “Arisaka” at Brillante Mendoza na “Resbak” na siyang inaasahang hahakot ng major awards.

Pagbibidahan nina Maja Salvador at Mon Confiado ang “Arisaka” samantalang sina Vince Rillon, Nash Aguas, at Jay Manalo naman ang lead stars sa “Resbak.”

Batay sa synposis ng dalawang pelikula, pareho itong crime o action thriller films.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, magsisimula ang TIFF 2021 sa October 30 at matatapos sa November 8. (VA)

The post 2 Pinoy films isasabong sa Tokyo film fest first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pinoy-films-isasabong-sa-tokyo-film-fest/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-pinoy-films-isasabong-sa-tokyo-film-fest)