Ipinagpaliban ng Senate finance subcommittee ang deliberasyon ng panukalang 2022 budget ng Commission on Elections (Comelec) matapos muling igiit ng mga senador na palawigin ang voter’s registration period.

Bago ito, sinabi ni Comelec chairman Sheriff Abas sa komite na nagdesisyon ang en banc na ibasura ang panawagang palawigin ang pagpaparehistro hanggang Oktubre 31, 2021.

Kinastigo naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang desisyon na ito ng Comelec na aniya’y pagsikil sa mga tao na bumoto sa susunod na halalan.

“It is a clear voter suppression regulation. You suppress the right of the voter to vote. That is a cardinal sin in our democratic system of government,” sabi ni Drilon sa pagdinig sa panukalang 2022 budget ng Comelec.

“The refusal to extend the registration period is clearly a regulation to suppress the right to vote,” dagdag nito.

Sabi ng Comelec, magkakaroon lang ng extension sa pagpaparehistro kung magpapasa ng batas ang Kongreso para dito.

Nagkaroon na rin umano ng resolusyon ang Comelec na nag-aayos para kalendaryo ng voter’s registration. Subalit ni Drilon, iligal ito.

“Strictly speaking, a qualified voter is given until January 8, 2022 or 120 days before the May 2022 elections to register. Therefore, the request of Congress to extend the voter’s registration by 30 days is consistent with Section 8 of RA 8189,” paliwasnag ni Drilon.

Aniya, sa Section 8 ng Republic Act No. 8189, nakasaado doon ng personal na paghahain ng aplikasyon ng pagpaparehistro ng mga botante ay dapat ginagawa araw-araw sa tanggapan ng election officer tuwing regular na office hour.

“Your reliance on your own resolution is out of place. In my humble opinion, it is illegal and a violation of the Constitution and the decisions of the Supreme Court interpreting election laws,” ani Drilon.

“I am saddened by the statement of the Comelec na kung may pondo lang ang extension ibibigay po namin iyan. It is not for you to give. Karapatan ng taumbayan na magrehistro at bumoto. Nagpasya ang Kongreso. There is no discretion granted to you by Congress,” diin nito.

The post 2022 budget ng Comelec nakabitin sa Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2022-budget-ng-comelec-nakabitin-sa-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2022-budget-ng-comelec-nakabitin-sa-senado)