Sumipa na sa 32,650 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling mula sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 245 bagong nakarekober nitong Martes.

Nadagdagan naman ng 165 ang bagong nasapol ng virus.

Sa kabuuan, 34,774 parak na ang timamaan ng COVID-19.

Nanatili naman sa 104 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang 2,020 na ang aktibong kaso ng COVID sa PNP.

The post 245 pulis naisahan COVID, 165 bagong biktima first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/245-pulis-naisahan-covid-165-bagong-biktima/)