Kasalukuyang 37,625 kawani na ng Philippine National Police (PNP) ang nakarekober mula sa COVID-19 matapos maitala ang 274 bagong gumaling nitong Lunes.

Samantala, nadagdagan naman ng 143 ang bagong tinamaan ng virus.

Sa kabuuan, 39,474 pulis na ang tinamaan ng COVID-19.

Bahagya namang umakyat sa 117 ang death toll rate ng ahensya matapos itong madagdagan ng isa.

Kasalukuyang may 2,092 pulis na ang nagpapagaling mula sa COVID sa PNP. (VA)

The post 274 pulis dinaig COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/274-pulis-dinaig-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=274-pulis-dinaig-covid)