Kasalukuyang nakasailalim sa granular lockdown ang 281 lugar sa Metro Manila ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa ulat ng GMA News, naitala ang mga lugar na kinandado sa 146 barangay sa Metro Manila.

Anang PNP, kasama rito ang 186 bahay, 55 residential buildings, 16 subdivisions, 13 eskinita, seven residential building floors, at dalawa pang ibang establisyamento.

Dahil dito, nagpakalat ang ahansya ng 648 PNP personnel at 724 force multipliers para siguruhing naipapatutulad ang health standards sa kanilang lugar. (VA)

The post 281 lugar sa NCR kandado – PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/281-lugar-sa-ncr-kandado-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=281-lugar-sa-ncr-kandado-pnp)