Tatlong dam sa Luzon ang nagpakawala ng tubig nitong Sabado ng umaga sa gitna ng malakas na buhos ng ulan mula kay bagyong Kiko at habagat.

Nagbukas ang Ipo Dam sa Bulacan ng isang gate, ayon sa Pagasa.

Dalawang gate naman ang binuksan ng Ambuklao Dam sa Benguet.

Samantala, tatlong gate ang binuksan ng Binga Dam sa Benguet,

Ayon sa Pagasa, pinalalakas ni “Kiko” ang habagat at inaasahan ang monsoon rains sa susunod na 24 oras sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa.

The post 3 dam sa Luzon nagpakawala ng tubig first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-dam-sa-luzon-nagpakawala-ng-tubig/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-dam-sa-luzon-nagpakawala-ng-tubig)