Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na magbubukas sila ng 37,000 online slots para sa COVID-19 vaccination drive nila sa Huwebes, Setyembre 23.

Anila, maaaring sumama rito ang nasa ilalim ng A1 at A5 na propity groups.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, magsisimula ang online booking ngayong araw ng Martes, alas-6 ng umaga sa pamamagitan ng QC Vax Easy Plus system.

“We hope that through this modification, we can reduce the number of defaulters or individuals who have been given slots by the city but don’t show up at the site because the time and date assigned to them doesn’t suit their schedule,” ani Mayor Joy Belmote sa isang pahayag.

Batay sa report, kasalukuyang nasa tatlong milyong dose na ng bakuna ang naiturok ng kanilang lungsod sa mga eligble person sa vaccination. (VA)

The post 37K COVID vaccination slots bubuksan sa QC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/37k-covid-vaccination-slots-bubuksan-sa-qc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=37k-covid-vaccination-slots-bubuksan-sa-qc)