Halos 400,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat ng GMA News, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal ang 391,950 Pfizer doses pasado alas-10 kagabi.

Dahil dito, umakyat na sa mahigit 70 million COVID vaccine ang natanggap ng bansa simula nang umarangkada ang malawakang pagbabakuna noong Marso 1.

Ayon sa ulat ng GMA News, kasalukuyang mahigit 20 milyong Pinoy na ang nabakunahan kontra COVID. (VA)

The post 391K Pfizer vaccine lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/391k-pfizer-vaccine-lumapag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=391k-pfizer-vaccine-lumapag-sa-pinas)