Isinailalim sa 14-day granular lockdown ang apat na barangay sa Tabuk City, Kalinga bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito.

Ayon sa ulat ng GMA News, may naitala ring dalawang nasawi dahil sa COVID sa naturang lungsod.

Dahil dito, inanunsyo ng Mayor’s Office ng Tabuk na ikakasa ang dalawang linggong lockdown sa Agbannawag, Bulanao Norte, Dagupan Centro, at Dagupan West simula Setyembre 4.

Nito lamang Sabado nang maiatala ang 473 kabuuang aktibong kaso ng COVID sa Tabuk.

The post 4 barangay sa Kalinga kandado dahil sa COVID spike first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4-barangay-sa-kalinga-kandado-dahil-sa-covid-spike/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4-barangay-sa-kalinga-kandado-dahil-sa-covid-spike)