Niyanig ng 5.7 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro pasado ala-1 ngayong Lunes.

Sa lakas ng pag-uga, maging mga residente ng Metro Manila ay naapektuhan din.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol ala-1:12 ng umaga kanina kung saan ang epicentre ay natagpuan 23 kilometro northeast ng Looc, Occidental Mindoro.

Batay sa Earthquake Intensity Scale ng ahensya, narito ang mga lugar na nakaranas ng lindol.

Intensity II – Palayan City, Nueva Ecija
Intensity III – Quezon City; Pasig City; Makati City, Antipolo, Rizal, Valenzuela City
Intensity IV – Malolos City Obando, Bulacan, Manila, Marikina City; San Mateo, Rizal, Las Pinas City; General Trias at Tanza, Cavite; San Juan City
Intensity V – Tagaytay City; Amadeo, Cavite

Kaugnay nito, naitala din ang 4.5 magnitude aftershocks sa northeast ng Looc ala-1:40 ng umaga.

Bago pa nito, niyanig na ng 2.6 magnitude na lindol ang Calatagan, Batangas pasado alas-12 ng madaling-araw. (VA]

The post 5.7 magnitude na lindol inuga Occ. Mindoro, NCR damay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-7-magnitude-na-lindol-inuga-occ-mindoro-ncr-damay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-7-magnitude-na-lindol-inuga-occ-mindoro-ncr-damay)