Dumating na sa bansa nitong Huwebes ang karagdagang 728,910 doses ng Pfizer vaccine.

Ayon sa ulat ng PTV, lumapag ang naturang batch ng bakuna sa Ninoy Aquino Terminal 3 na siyang ide-deliver sa Davao City.

Batay sa report, 677,430 sa 728,910 doses rito ay ilalaan sa Metro Manila habang ang 51,480 naman ay nasa Cebu na.

Sa 677,430 doses, 92,430 ang mapupiunta sa Davao City na siyang ihahatid ngayong Biyernes.

Kasalukuyang nasa mahigit 11 milyong Pfizer COVID-19 jabs na ang natanggap ng bansa. (VA)

The post 728K Pfizer vaccine lumapag sa Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/728k-pfizer-vaccine-lumapag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=728k-pfizer-vaccine-lumapag-sa-pinas)