Dumating na sa bansa ang halos isang milyong kargdagang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng GMA News, 811,980 dito ay itatago sa Pharmaserv cold storage facility sa Marikina City, samantalang ang 128,700 naman ay ipamumudmod sa Cebu.

Nito lamang Lunes nang dumating ang 561,500 Pfizer vaccines na siyang donasyon ng Estados Unidos sa bansa.

Batay sa report, isa sa mga lungsod na makatatanggap ng naturang brand ng COVID vaccine ang San Pablo, Laguna na siyang kasalukuyang nagtuturok na ng second doese sa kanilang mga residente.

The post 940K Pfizer vaccine dumating pa sa Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/940k-pfizer-vaccine-dumating-pa-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=940k-pfizer-vaccine-dumating-pa-sa-pinas)