‘Rule of law.’

Iyan umano ang paiiralin ni Manila Mayor Isko Moreno sakaling magwagi bilang pangulo sa 2022.

Sa pormal na pag-anunsyo ni Moreno at running mate na si Doc Willie Ong ng kanilang kandidatura ngayong Miyerkoles, humarap ang dalawa sa media kung saan isa sa mga itinanong ay kung ano ang magiging kapalaran ng ABS-CBN kapag nanalo si Moreno.

Matatandaang ‘di pumasa sa Kongreso ang panukalang magbibigay ng panibagong prangkisa sa network at tuluyan itong ipinasara noong 2020.

Ayon sa alkalde, kapag naaprubahan ng Kongreso sa kanyang termino ang prangkisa ng network, pipirmahan niya ito.

“Rule of law, the Congress.. approve it.. I will sign it,” pahayag ni Moreno.

“Ang komersyo para sa lahat, ang negosyo at pagkakataon para sa lahat,” dugtong pa niya.

Ipinangako rin ni Moreno na mapapanagot ang mga may sala sa kanyang termino, ngunit isa lang umano ang kanyang sinisiguro: “Pero gamitin ang kapangyarihan para manggipit, hindi mangyayari yun,” wika pa ng alkalde. (MJD)

The post ABS-CBN posible maibalik ‘pag nanalo si Isko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abs-cbn-posible-maibalik-pag-nanalo-si-isko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=abs-cbn-posible-maibalik-pag-nanalo-si-isko)