Pumalo na sa 2,181 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa kawanihan ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos maitala ang 219 bagong kaso ng nasapol ng virus nitong Sabado.

Nadagdagan naman ng 113 ang bagong nakarekober sa virus.

Sa kabuuan, 33,272 parak na ang nakaligtas sa COVID-19.

Nanatili naman sa 108 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang umabot na sa 35,561 ang kabuuang bilang ng mga parak ka nasapol ng COVID.

The post Aktibong kaso ng COVID sa PNP higit 2K na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aktibong-kaso-ng-covid-sa-pnp-higit-2k-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=aktibong-kaso-ng-covid-sa-pnp-higit-2k-na)