Inaasahang magiging makulimlim at maulan sa Visayas, Bicol Region, Caraga, at Northern Mindanao ayon sa PAGASA.

Anang weather state bureau nitong Sabado, dala ito ng pagsasanib-pwersa ng low-pressure area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Bunsod nito, binalaan ng ahensya ang mga residente sa nasabing lugar sa maaaring pagbaha at pagguho ng lupa oras na lumakas pa ang ulan.

Bukod pa rito, naispatan ng PAGASA ang LPA 240 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar na siyang nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Samantala, inaasahang magadadala naman ng isolated rain showers at thunderstorms ang ITCZ sa Metro Manila at buong bansa.

Binalaan din ng PAGASA ang publiko rito sa maaaring pagbaha at landslide. (VA)

The post ALAMIN: Mga lugar na uulanin dahil sa LPA, ITCZ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-mga-lugar-na-uulanin-dahil-sa-lpa-itcz/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alamin-mga-lugar-na-uulanin-dahil-sa-lpa-itcz)