Inaasahang magdudulot ng pag-ulan ang low pressure area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa mga lugar sa MIMAROPA, Davao Region, at SOCCSKSARGEN ayon sa PAGASA nitong Martes.

Sa kanilang weather forecast kahapon, sinabi ng weather agency na maaaring magdulot ito ng pagbaha at pagguho ng lupa sakaling lumala pa ang thunderstorms.

Kahapon, pasado alas-3 ay namataan ang LPA 175 kilometro west-northwest ng Puerto Princesa, Palawan.

Dagdag pa rito, inaasahang magiging makulimlim at maulan din sa Metro Manila at buong bansa.

Anang PAGASA, maaari din anila itong magbunga ng flashldoods at landslide. (VA)

The post ALAMIN: Mga lugar na uulanin dahil sa pagsasanib-pwersa ng LPA, ITCZ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-mga-lugar-na-uulanin-dahil-sa-pagsasanib-pwersa-ng-lpa-itcz/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alamin-mga-lugar-na-uulanin-dahil-sa-pagsasanib-pwersa-ng-lpa-itcz)