Simula sa darating na Huwebes, Setyembre 16, ay iiral na ang Alert Level 4 sa Metro Manila.

Ito ang inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año ngayong Martes kaugnay sa pagkakasa ng mga granular lockdown sa sa Huwebes.

Batay sa bagong guidelines patungkol sa mga granular lockdown, ikalawa sa pinakamataas na alert level sa bagong sistema ang Alert Level 4.

Isinasailalim din sa naturang kategorya ang mga lugar kung saan mataas o patuloy na lumulobo ang kaso ng COVID-19 at may mataas ding utilization rate ng bed at intensive care unit.

Sa Alert Level 4, maaaring magbukas ang mga alfresco dine-in (30% capacity); indoor dine-in (10% capacity na siyang para lang sa mga fully vaccinated customers); barberya at salon (30% capacity para sa outdoor at 10% capacity naman sa indoor na siyang para lang sa fully vaccinated customers); at religious gatherings (30% capacity sa outdoor at 10% capacity naman sa indoor na siyang para lang sa mga fully vaccinated na dadalo).

Sa ilalim ng naturang alert level ay mananatiling nakakandado sa bahay ang mga 18 anyos pababa at 65 anyos pataas.

The post Alert Level 4 lalarga sa NCR sa Huwebes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alert-level-4-lalarga-sa-ncr-sa-huwebes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alert-level-4-lalarga-sa-ncr-sa-huwebes)