Maaaring mapalawig pa nang dalawang linggo ang pagkasa ng Alert Level 4 sa Metro Manila pagkatapos ng Setyembre ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19.
“Hopefully kapag nagawa natin ito sa mga susunod na araw, matapos na ‘yung katapusan sa buwan na ito, maaari pa itong i-extend ng two more weeks bago natin tunay na makita kung ano talaga ‘yung naging epekto nito sa ating mga datos,” wika ni NTF spokesman Restituto Padilla sa isang panayam nitong Sabado.
Aniya, posible ring ikasa ang granular lockdown sa mas marami pang lugar kung makita ng pamahalaan ang magandang resulta nito sa mga lugar na sumalilalim na rito.
“Titingnan natin. Kung nakikitang maganda ang magiging resulta, maaaring magkaroon ng pagpapatupad nito sa malawakan,” anang opisyal.
“Hindi ko lang masabi pa kasi hindi pa natin nakikita ‘yung resulta. ‘Pag nagkataon na maayos at naging effective, mas nakatulong talaga, maaari,” dagdag pa niya.
Ayon sa ulat ng GMA News, pag-aaralan ang naging resulta ng pagkasa ng Alert Level 4 sa Metro Manila isang linggo matapos itong ipatupad. (VA)
The post Alert Level 4 sa NCR posibleng mapahaba pagkatapos ng Setyembre – NTF first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alert-level-4-sa-ncr-posibleng-mapahaba-pagkatapos-ng-setyembre-ntf/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alert-level-4-sa-ncr-posibleng-mapahaba-pagkatapos-ng-setyembre-ntf)
0 Mga Komento