Suportado ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ang alok na retail dollar bonds (RDB) ng gobyerno sa mga Pilipino.

“Borrowing foreign currency from Filipino creditors is still much better than borrowing offshore. The political risks are just lower,” sabi ni Salceda.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr) nakalikom ito ng $866.2 milyon (tinatayang P43.18 bilyon) sa unang retail dollar bonds nito.

Ang BTr ay nagbigay ng $551.8 milyon (tinatayang P27.5 bilyon) na 5-year onshore RDB at $314.4 milyon (tinatayang P15.67 bilyon) na 10-year bonds.

Ang mga 5-year bonds ay kikita ng 1.375% kada taon at ang 10-year RDBs ay 2.25%.

Ang mga bonds ay iaalok hanggang Oktobre 1 maliban na lamang kung papalawigin o paiikliin ng BTr.

“It’s also a good time to dollar-denominated bonds for the government, as the value of the currency has begun stabilizing to pre-pandemic levels,” dagdag pa ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na inaasahan na muling tataas ang halaga ng dolyar pero hindi umano malulugi ang mga bumili ng bonds.

“Overall, it’s a fair deal for both the creditor and the government. We should do it more often, given the reception, as an alternative to offshore bond offerings,” wika pa ng solon.

Para sa RDB ay inalis ng gobyerno ang minimum initial deposit at average maintaining balance requirement para sa dollar-denominated deposit accounts. (Billy Begas)

The post Alok na retail dollar bond ng gobyerno suportado ng solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alok-na-retail-dollar-bond-ng-gobyerno-suportado-ng-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alok-na-retail-dollar-bond-ng-gobyerno-suportado-ng-solon)