Nanggigil si Annabelle Rama sa isang salon owner sa Las Piñas dahil umano sa pagiging sinungaling.

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Annabelle na nagtanong lang daw siya kung bakit nagbukas ang salon gayong ang alam niya ay bawal pa magbukas ang mga ito.

“Yung isang salon sa Las Piñas, gumawa ng event more than 15 people inside sa salon. Nagtanong lang ako kung bakit nagbukas sila. Dahil alam kong closed lahat ang salon at barbershop. Ang dami ko kasing tinawagan para mag pa home service. Laging sinasabi sa akin na close sila hanggang September 7. Baka sa September 8 open sila,” kuwento niya.

Naloka raw si Annabelle sa naturang salon owner dahil gumawa na ng mga kuwento samantalang nagtanong lang siya.

“Sinisigawan ko at inaaway ko raw siya. Hoy, dai! Baka ikaw ang sira ulo. Papano kita sisigawan at aawayin na walang dahilan. Masama bang magtanong? Tinatanong lang kita bakit kayo gumagawa ng event at bakit gumagawa kayo ng lahat ng services sa salon.

“You didn’t answer my question properly. You asked me kung sino ako. Pinatay ko yung cellphone ko/ Masama bang magtanong? Tinext kita kung bakit ka nagsinungaling. Sabi ko concern lang ako dahil meron kang mga customers sa salon na kakilala ko.

“I asked you sa text na pag magka-COVID ang isa dyan, ikaw ba ang magbabayad sa hospital? Ang sagot mo ay vaccinated lahat at pina-swab test mo silang lahat,” anang mommy nina Ruffa, Richard at Raymond.

“I answered you na ang dami kong kakilala na vaccinated twice at nagpa swab test nagka COVID, after 3 weeks namatay na. Ginulo mo ang buhay ko. Lumaki ang gulo dahil sa pagka-liar mo.

“Alam mo dai, ‘wag mo akong gawing tanga at sira ulo. Nang-aaway at nagsisigaw na walang dahilan. Bwiiiisiiiittttt! Sinira mo ang araw ko!” pagtatapos niya.

The post Annabelle Rama nanggigil sa salon owner first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/annabelle-rama-nanggigil-sa-salon-owner/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=annabelle-rama-nanggigil-sa-salon-owner)