Iminungkahi ng isang solon ang pagbabawal sa artista at intermission number sa mga campaign rally para maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao na maaaring magresulta sa pagdami ng nahahawa ng COVID-19.

Ipinunto ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor na madalas ay wala namang kinalaman ang mga intermission number sa plataporma de gobyerno ng mga kumakandidato.

“Pag dumating na po kasi si Coco Martin siguro po ang maximum na 10% ng venue may daan at daan po dyan so baka pwede malagay natin sa guidelines na the intermission numbers, yung mga papremyo ng candy o mga pasayaw ng mga kandidato, pagkanta, personalities na hindi naman po kailangan sa kanilang platform baka pwede pong i-avoid nalang natin yun…,” sabi ni Defensor sa p House Committee on Suffrage and Electoral Reforms noong Huwebes.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Antonio Kho na bukas ang Comelec sa mga suhestyon at kanila itong ikokonsidera.

“Especially yung suggestion na, to avoid getting yung ating mga singers or those who belong to entertainment industry kung ma-avoid natin yun, we will avoid them. We will try to include them in our manual,” sabi ni Kho.

Ayon kay Kho, inaasahan na ng Comelec na magbabago-bago ang guidelines para sa eleksyon dahil nakadepende ito sa sitwasyon kaugnay ng COVID-19 pandemic.

“Kasi itong manual guidelines lang ho ito as of today, as of this few days, as of this month. So papalit at papalit pa rin po ito depende na rin sa situation on the ground,” dagdag pa ni Kho.

The post Artista, intermission number ibawal sa kampanya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/artista-intermission-number-ibawal-sa-kampanya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=artista-intermission-number-ibawal-sa-kampanya)