Wala pang desisyon si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto kaugnay ng kanyang gagawin sa 2022 elections.

Sa isang Viber message, kinumpirma ni Santos-Recto na ang kanyang pinagpipilian ay tumakbo sa pagka-senador o magretiro na sa politika.

“Nothing is final,” sabi ni Santos-Recto.

Nang tanungin kung anong senyales ang kanyang hinihintay para maging buo ang desisyon na tumakbo sa pagka-senador, sagot ni Santos-Recto: “May panahon pa naman mag isip at magdasal!:)”

Si Santos-Recto ay misis ni Senator Ralph Recto na magtatapos ang termino sa 2022.

The post Ate Vi pagtakbo sa Senado o pagreretiro ang pinagpipilian first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ate-vi-pagtakbo-sa-senado-o-pagreretiro-ang-pinagpipilian/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ate-vi-pagtakbo-sa-senado-o-pagreretiro-ang-pinagpipilian)