Dumating na sa bansa ang regalo ng Australia na P57 milyong halaga ng mga medical equipment para sa COVID-19 response ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ito na ang ikatlong tranche ng donasyon ng Australian government sa ‘Pinas sa ilalim ng AustraliaPhilippines Enhanced Defense Cooperation Program.

“Throughout this unpredictable COVID19 pandemic, I am very pleased that Australia is able to provide flexible and responsive support to the Philippines,” pahayag ni Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson sa isinagawang seremonya sa South Harbor sa Maynila nitong Martes.

Kabilang sa mga ibingay ang RTPCR reagents, detection kit, PPE, face masks, stretcher at oxygen machines.

Batay sa report, opisyal na ibibigay ang mga medical equipment sa Victoriano Luna Medical Centerna siyang primary military hospital ng AFP.

Ani AFP chief of staff Lt. Gen. Jose Faustino Jr., ang donasyon na ito ng Australia ay nagpapatunay ng ating mabuting relasyon sa kanila at sa kasundalohan nila.

“[I]t’s a clear testament of the collaborative partnership,” aniya. (VA)

The post Australia may regalong P57-M worth ng COVID equipment sa AFP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/australia-may-regalong-p57-m-worth-ng-covid-equipment-sa-afp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=australia-may-regalong-p57-m-worth-ng-covid-equipment-sa-afp)