Ibinuking ng campaign manager ni Mayor Isko Moreno na si Senadora Grace Poe ang kanilang first choice bilang running mate ng alkalde sa 2022.

Gayunpaman, hindi umano pumayag si Poe dahil sa ugnayan ng pamilya nito kay Senate President Tito Sotto, na isa ring vice presidential candidate.

“‘Di namin tinatago na talagang first choice namin si Grace Poe. We tried very hard…but she didn’t agree principally because I guess one the personal relationship between her family and Senate President Tito Sotto. We did not want to enter into a political marriage,” pahayag ng campaign strategist na si Lito Banayo sa panayam ng ANC.

Dahil ‘di pumayag si Poe, si Doc Willie Ong ang magsisilbing running mate ni Moreno.

Siniguro rin ni Banayo na hindi paunang kandidato lang si Ong, at hindi biglang susulpot si Poe para palitan siya.

“No, Isko is not like that. Once he makes up his mind, he sticks to it. That’s a done deal, Doc Willie is our vice presidential candidate,” wika pa ni Banayo.

Noong una pa raw ay plano nila Moreno na gawing senatorial candidate si Ong ngunit napansin daw nila ang potensyal nito na maging bise presidente sa kanilang pagpupulong. (MJD)

The post Bago si Doc Willie: Grace Poe napusuan ni Isko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bago-si-doc-willie-grace-poe-napusuan-ni-isko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bago-si-doc-willie-grace-poe-napusuan-ni-isko)