Inanunsyo ng PAGASA nitong Martes na maaaring pumasok ng Philippine Area of Responsibility si Bagyong Mindulle ngayong Miyerkoles.

Batay kasi sa kanilang ulat, lumalapit ang bagyo sa northeastern edge ng PAR.

Namataan nila ang senteo ng bagyo sa 1,420 kilometers east of Extreme Northern Luzon.

Anang state weather bureau, kung pumasok nga itong bagyong ngayong araw ay lalabas din anila ito ng PAR sa loob ng 24 oras.

Paglilnaw nila, maaari naman ding hindi ito pumasok ng PAR.

“[C]onsidering that the typhoon has been tracking more north northwestward over the past couple of hours, there is an increasing possibility that it may not enter the PAR region at all,” anang PAGASA.

Papangalanang bagyong “Lannie” ang naturang bagyo oras na pumasok ito sa bansa. (VA)

The post Bagyong Mindulle posbileng pumasok sa PAR ngayong Miyekorles – PAGASA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagyong-mindulle-posbileng-pumasok-sa-par-ngayong-miyekorles-pagasa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagyong-mindulle-posbileng-pumasok-sa-par-ngayong-miyekorles-pagasa)