Habang kulang ang suplay ng bakuna, dapat umanong itaas sa 150,000 kada araw ang COVID-19 testing sa bansa.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, ang bakuna pa rin ang pinakamabisang panlaban sa COVID-19 para makapagbukas na ang mga negosyo.

Pero dahil kulang naman ang suplay ng bakuna, dapat ay dagdagan ang testing para mahanap ang mga nahawa at mapigilan na sila ay makapanghawa pa.

“The best effort to restore business operations, including the tourism sector’s businesses, is to expedite vaccination. Testing is more expensive than vaccination but, while the vaccines aren’t here yet, we have no choice, we have to test,” sabi ni Salceda.

Sa kasalukuyan ay umaabot lamang umano sa 450,000 dose ng COVID-19 vaccine ang binabakuna araw-araw – kalahati lang ng kapasidad ng bansa.

“To stop the transmission, you have to catch the sources. That’s why testing is our best bet, without the vaccines,” paliwanag ni Salceda. “To stop the crime, basically you catch the criminal. To stop contagion, you catch the spreader and isolate them.”

Ibinahagi rin ni Salceda ang ginawa nitong pamimigay ng facemask sa kanyang distrito upang malabanan ang pagtaas ng kaso noong Abril at Hunyo. Umabot umano sa halos 1 milyon ang naipamigay nitong facemask.

“We did not do anything spectacular. We just gave masks to everyone. I’m telling you, masking works. Of course, Delta is another matter, and we’ll see how we can do this,” dagdag pa ng solon.

The post Bakuna kulang, testing dapat dagdagan – Salceda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakuna-kulang-testing-dapat-dagdagan-salceda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bakuna-kulang-testing-dapat-dagdagan-salceda)