Maaaring umanong patingnan ng Senado ang mga bank account ng ilang personalidad na iniimbestigfahan kaugnay ng diumano’y ‘overpriced’ na medical supply na nabili noong nagdaang taon, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Muli pa nitong iginiit na batay sa mga pagdinig sa Senado, lumalabas na pinaboran ng gobyerno ang Pharmally Pharmaceutical Corp., matapos mabigya ng P8.5 bilyong halaga ng kontrata sa kabila na paid capital na P625,000 la,ang.

“Maliwanag na binigyan ng advantage ang Pharmally dito sa usaping ito,” sabi ni Drilon sa panayam sa Teleradyo.

Bagama’t wala pang malinaw na ebidenisya kung sino ang nagbulsa mula sa kasunduang ito, iginit ni Drilon na malinaw na may paglabag sa anti-graft law kaugnay nito.

“Ngunit magtatanong tayo at nakikita ang paglabag sa anti -graft law at baka naman masilip natin yung bank accounts ng Pharmally at ni Usec Lao at noong si Linconn Ong kung papayag po sila,” saad ng Senador.

Ang tinutukoy ni Drilon ay si former Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, na pinamunauna ang Procurement Service Department of Budget and Management na makuha na Pharmally ang kontrata.

Si Ong naman ay isa sa mga director ng Pharmally.

PInaaresto ng Senado si Ong presidential economic adviser Michael Yang,  kilalang kaalyado ni Pangulogn Rdorigo Duterte dahil pagiging mailalm sa pagsagot sa mga tanong ng senador sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee noong Biyernes.

The post Bank account nina Lao, Pharmally exec kalkalin – Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bank-account-nina-lao-pharmally-exec-kalkalin-drilon1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bank-account-nina-lao-pharmally-exec-kalkalin-drilon1)